𝗟𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖 𝗘𝗡𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗥, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥

Sugatan ang isang tricycle driver matapos itong saksakin ng Isang lasing na traffic enforcer sa Sta. Maria, Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si Victoriano Blando, 57 anyos, traffic enforcer sa bayan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nakahiga lamang sa tricycle nito ang biktimang si Rey Velasquez habang naghihintay ng pasahero nang lapitan siya ng suspek at paulit ulit na ginugulo. Sa inis ng biktima ay tinawag nito ang kaniyang kapatid upang komprontahin ang suspek ngunit bigla na lamang itong sinaksak ng suspek sa dibdib.

Ayon sa Sta. Maria Police Station, hindi magkakilala ang dalawa at sadyang dahil sa kalasingan ay napagtripan ang biktima ng suspek.

Agad na naisugod sa pagamutan si Velasquez habang nakakulong naman si Blando na nahaharap sa kasong frustrated murder. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments