Nasungkit ng student researcher ng Lasip National High School sa bayan ng Lingayen ang isang bronze medal sa katatapos na International Exhibition for Young Inventors (IEYI) 2024 na ginanap sa Taipei City, Taiwan.
Ipinagmamalaki ng bayan ang nakamit ng mga mag-aaral na sina Mark Erick Dela Cruz at si Wayne Xyluv Mina pawang Grade 12 HUMSS student na nakipagtagisan sa galing ng mga mag-aaral mula sa 21 bansa.
Hindi lamang medalya ang naiuwi ng mga ito dahil tumanggap din sila ng Special Awards mula sa bansang Japan at Vietnam.
Ayon kina Dela Cruz at Mina, mahalaga ang pananaliksik sa araw-araw na pamumuhay sapagkat mas mapapalawak nito ang kaalaman ng isang indibidwal sa tulong na rin ng makabagong teknolohiya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments