Dinagsa ang huling araw ng pagpaparehistro sa Commission on Elections (COMELEC) Dagupan sa kabila ng nararanasang malalakas na pag-uulan sa lungsod.
Alasyete pa lamang ng umaga kahapon, mahaba na ang pila sa isinasagawang voter registration ng tanggapan sa isang mall.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay COMELEC Dagupan Elections Supervisor Atty. Michael Frank Sarmiento, binuksan ng mas maaga ang oras ng pagpaparehistro dahil nakitaan ng bahagyang pagdami ng mga humahabol para sa huling araw ng voters’ registration.
Sa kasalukuyan, isa ang Dagupan City sa may pinakamaraming bilang ng mga botante sa buong lalawigan ng Pangasinan.
Sa datos ng COMELEC Pangasinan nasa higit 141, 000 ang bilang na ng mga registered voter sa lungsod at inaasahang papalo pa sa 145, 000 ang bilang nito sa pagtatapos ng registration.
Sa nasabing bilang 40% nito ang mula sa youth sector. |ššš¢š£šš¬šØ