Naka heightened alert ang pamunuan ng La Union Provincial Disaster Risk Reduction Management Council dahil sa magkasabay na pagdiriwang ng Undas at La Union Surfing Break 2024.
Matapos ang kanselasyon ng La Union Surfing Break noong October 25-27 dahil sa bagyo, tuloy na ang mga nakalinyang aktibidad para dito kasabay ng long weekend.
Kahapon dinagsa ng beachgoers at volunteers ang baybayin ng San Juan at Bacnotan dahil sa eco-patrol activity at ilang nais magsurf sa dagat.
Sa kabila nito, ibayong pag-iingat ang panawagan ng PDRRMO at pakikiisa ng publiko sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga beachgoers. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments