𝗟𝗘𝗕𝗘𝗟 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗣𝗔 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗞𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚 𝗡𝗚 𝗜𝗕𝗔’𝗧-𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗭𝗢𝗡

Inaasahang tataas pa ang lebel ng tubig sa mga kailugan sa lalawigan ng Pangasinan bunsod ng nakatakdang pagpapakawala ng tubig partikular ang Ambuklao at Binga Dam sa Benguet.

Ang mga tubig na nanggagaling mula sa dam discharge ay dadaan sa mga kailugan sa Pangasinan.

Sa pinakahuling update, umabot na sa critical level ang Ambuklao na nasa 751.40 meters habang 572.62 meters naman ang lebel ng Binga Dam.

Ang San Roque Dam malayo pa sa kaniyang spilling level na kasalukuyang nasa 239 meters above sea level.

Patuloy na pinaalalahanan ang mga Pangasinenses partikular ang mga nakatira sa low lying areas at coastal areas na hanggat maaari ay mainam ang paglikas dahil posible pa ang pagtaas sa lebel ng tubig ng mga kailugan sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments