Nanatiling mababa ang antas o lebel ng tubig sa San Roque Dam sa kabila ng mga nararanasang pag-uulan sa malaking bahagi ng probinsya.
Ayon sa monitoring ng Pangasinan Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), nasa 225.63 meters above sea level mula sa 280 masl na normal na lebel ang antas ng dam.
Siniguro naman ng San Roque Power Corporation o SRPC, na normal pa ito at kaya pang mag-supply ng kuryente sa mga nasasakupan at sinusuplayang Dam.
Dagdag ng pamunuan ng SRPC, malabo umanong maabot nito ang critical low water level. Inaasahan namang babalik ito sa normal level, ngayong mas napapadalas na ang pag-ulan dulot ng thunderstorms tuwing hapon at gabi. | πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments