𝗟𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗟𝗟𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥, 𝗡𝗔𝗛𝗔𝗛𝗔𝗥𝗔𝗣 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗤𝗨𝗔𝗟𝗜𝗙𝗜𝗘𝗗 𝗧𝗛𝗘𝗙𝗧

CAUAYAN CITY – Arestado ang isang lalaki dahil sa kasong Qualified Theft sa Barangay Poblacion Sur, Maddela Quirino.

Ang suspek ay kinilalang si alyas “Yael”, 35-anyos, isang lending collector at residente ng Brgy. San Bernabe, Maddela, Quirino.

Ang pagkakaaresto ng suspek ay dahil sa bisa ng Warrant of Arrest na isinampa laban sa kanya na inisyu ni Hon. Winston Mendoza noong ika-30 ng OKtubre.


May inirekomendang piyansa naman ang korte na nagkakahalaga ng P120,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dinala sa himpilan ng Maddela PS si alyas “Yael” para sa dokmentasyon bago ito ibalik sa korteng kanyang pinagmulan.

Facebook Comments