𝗟𝗚𝗕𝗧𝗤 𝗠𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔 𝗠𝗘𝗘𝗧-𝗨𝗣

Tinangay ang perang aabot sa tatlong libo ang kinuha ng tatlong kalalakihan sa isang miyembro ng LGBTQ Community sa bayan ng Asingan.

Ayon sa salaysay ng biktima, isang 18 anyos umano ang pumayag na makipag meet-up o makipagkita sa kaniya at makipagtalik.

Napag-alaman na nangyayari ang pagnanakaw ng madaling araw kung saan sinundo pa ng biktima ang suspek sa Brgy. Domanpot sa bayan matapos pumayag na makipagtalik sa halagang 200 pesos.

Nang marating ng dalawa ang madilim na parte ng daan , dalawang kasamahan ng suspek ang lumabas na nakatakip ang mukha, may dalang itak at sapilitang kinuha ang pera ng biktima.

Napag-alaman na ang dalawa pang kasabwat sa pagnanakaw sa biktima ay kapatid ng ka meet-up nito at kaibigan.

Nahuli naman ang tatlo at nahaharap sa kaukulang kaso.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments