Nabigyang-kaalaman ang mga lokal na pamahalaan na kinabibilangan ng mga komunidad na malapit sa Agno River tungkol sa Harmonizing Flood Early Warning System para sa Early Action and Protection.
Mula sa inisyatibo ng Center for Disaster Preparedness o CDP Foundation sa ilalim ng Scaling Across Integrated Risk Management Project sa parehong lokal at nasyonal na lebel, pangunahing layunin ng workshop na pagtugmain ang flood early warning system ng mga komunidad na malapit sa Agno River.
Dinaluhan ng mga kawani mula sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Councils sa mga bayan ng Baustista, Lingayen, Bugallon, Rosales, Urbiztondo, Mangatarem,San Carlos City at Alcala ang naturang workshop.
Mahalaga ang gampanin ng workshop sa pagpapabuti ng resiliency sa mga komunidad malapit sa Agno River at maiwasan ang malalang epekto ng pagbaha. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨