Friday, February 20, 2026

𝗟𝗚𝗨 𝗖𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗦𝗨𝗡𝗚𝗞𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗦𝗘𝗔𝗟 𝗢𝗙 𝗚𝗢𝗢𝗗 𝗘𝗗𝗨𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗔𝗡𝗖𝗘

Cauayan City – Muling nakamit ng Pamahalaang Lokal ng Cabagan ang 2026 Seal of Good Education Governance na iginawad ng Synergeia Foundation, Incorporated saa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Ang Seal of Good Education Governance ay isang pambansang pagkilala na iginagawad sa mga local government unit na nagpapakita ng matibay na commitment, pananagutan, at makabagong pamumuno sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon.

Ipinapakita ng pagkilalang ito ang tuloy-tuloy na pagsisikap ng LGU Cabagan sa pagbibigay-prayoridad sa mga programang pang-edukasyon at sa pagpapatibay ng ugnayan sa mga paaralan at katuwang na komunidad.

Ayon kay Mayor Mila T. Albano-Mamauag, ang parangal ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng lokal na pamahalaan, mga guro, magulang, at iba pang stakeholders na patuloy na sumusuporta sa mga inisyatibang nagpapahusay sa kalidad ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa Cabagan.

Ipinapakita rin ng parangal ang matatag na pundasyon ng pamumuno na inilatag ni dating Mayor Christopher A. Mamauag, na kasalukuyang nagsisilbi bilang Provincial Administrator ng Isabela, kung saan isinulong ang pamamahalang nakasentro sa edukasyon.

Muling pinagtibay ng LGU Cabagan ang kanilang pangako na ipagpatuloy ang paglalagay sa edukasyon bilang pangunahing prayoridad at tiyaking mananatiling sentro ng kanilang development agenda ang kapakanan ng mga mag-aaral.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments