Puspusan ang paghahanda ng lokal na pamahalaan ng Dagupan kaugnay sa mga kasalukuyan at posible pang kaharapin na mga krisis sa mga susunod na buwan.
Alinsunod dito, isinagawa ang unang Quarterly Meeting ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) sa pangunguna ng alkalde kasama ang pamunuan ng PNP Maritime Group, PCG, BFP, DepEd, PAGASA at ilang pang mga concerned agencies at departments.
Bahagi sa tinalakay ang kaalaman ukol sa nararanasang mainit ng panahon maging ang paghahanda sa inaasahang La Niña.
Pinaalalahanan din ang mga bara-barangay sa pagsasagawa ng regular grass cutting activities na maaaring makatulong sa pag-iwas sa anumang grassfire incidents.
Wala rin umanong pagbaba sa lebel ng suplay ng tubig ayon sa water source sa lungsod.
Saklaw pa ng talakayan ang magiging siste sa mode of learning ng mga mag-aaral sa lalo na kung maranasan ang hindi kanais-nais na panahon.
Samantala, patuloy na hinihimok ang publiko sa sariling hakbangin upang maibsan ang posibleng banta sa kalusugan ng maalinsangang init ng panahon lalo na at inaasahan ang pagtala ng mas mataas na temperature. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨