𝗟𝗚𝗨 𝗜𝗡𝗙𝗔𝗡𝗧𝗔, 𝗞𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗦𝗧 𝗜𝗠𝗣𝗥𝗢𝗩𝗘𝗗 𝗟𝗚𝗨 𝗡𝗚 𝗗𝗧𝗜 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡

Binigyang pagkilala ng Department Trade and Industry Region 1 ang lokal na pamahalaan ng Infanta bilang Most Improved LGU sa kakatapos lang ng taunang pagpaparangal ng ahensya sa mga LGU sa region.
Sa ilalim ng programa ng ahensya na Rimat Ti Amianan Fiesta Kucha – Cities and Municipalities Competitive Index (CMCI) nasungkit ng LGU Infanta sa kategoryang 3rd to 4th Class Municipality sa Ilocos Region ang naturang parangal.
Ang naturang parangal ay dahil nakitaan ng ahensya ang LGU na may malaking pagbabago lalong-lalo na sa usaping ekonomiya ngayong taon kumpara noong nakalipas na taon at ito ay sinang-ayunan ni DTI Region 1 Regional Director Grace Baluyan, kung saan kanya rin kinikilala ang bawat LGU dahil sa isinasagawa nilang pagsisikap mapalago lang ang ekonomiya sa kanilang mga bayan.

Samantala, ang Cities and Municipalities Competitiveness Index ay isang taunang ranggo ng mga lungsod at munisipalidad sa Pilipinas na binuo ng National Competitiveness Council sa pamamagitan ng Regional Competitiveness Committees (RCCs) sa tulong ng United States Agency for International Development na sumasalamin sa limang pangunahing pillars gaya ng economic dynamism, government efficiency, infrastructure, resiliency, at innovation. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments