𝗟𝗚𝗨 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗜𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗜𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗥𝗢𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗗𝗜𝗟𝗚 𝗔𝗧 𝗣𝗗𝗘𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗥 𝗢𝗡 𝗗𝗥𝗨𝗚𝗦 𝗖𝗔𝗠𝗣𝗔𝗜𝗚𝗡

Iginiit ni Manaoag Mayor Jeremy Agerico Doc Ming Rosario na ang magandang ugnayan ng LGU at pagkakaisa ang magiging susi sa isang matagumpay na kampanya laban sa Illegal droga.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa opisyal, sinabi nito na ang kanilang masidhing pagtutok sa usapin ng illegal drugs at ugnayan sa concern Barangays ang magiging susi upang kilalanin ang kanilang bayan.
Dahil dito ay nakatanggap ng tatlong parangal ang bayan mula sa DILG at PDEA bilang pagkilala sa kanilang kampanya.

Nasa mahigit sampo na mga Barangay na ngayon sa Manaoag ang drug cleared ayon sa alkalde kung saan ay patuloy ang ugnayan upang tuluyan ng maideklara na drug cleared ang lahat ng Barangay sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments