𝗟𝗚𝗨 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗛𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗘𝗦𝗧 𝗘𝗡𝗩𝗜𝗥𝗢𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗔𝗡𝗗 𝗢𝗖𝗖𝗨𝗣𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗜𝗠𝗣𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡 𝗨𝗡𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛

Kinilala ang lokal na pamahalaan ng Mangaldan sa kakatapos lamang na Gawad Kalusugan 2023 ng Department of Health Center for Health Development Ilocos Region, nito lamang Biyernes.

Nakuha ng LGU ang parangal na Best Environmental and Occupational Health Program Implementer sa ilalim ng kategoryang Bannuar iti Salun at Awards ng DOH Ilocos.

Bukod sa pagkilalang ito, nakakuha rin ang nasabing LGU ng P50, 000 bilang cash incentive.
Samantala ang Bannuar Iti Salun at Awards ay isang parangal sa mga LGU, hospital, mga private sectors at mga agencies na may kapuri-puring pagpapatupad ng mga programa ng kagawaran |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments