Nakipagpulong, kamakailan, sa pamunuan ng Central Pangasinan Electric Cooperative (CENPELCO) ang lokal na pamahalaan ng Mangaldan upang dinggin at solusyon ang ilang mga hinaing ng konsyumer tungkol sa napapadalas na pagkawala ng suplay ng kuryente sa kanilang mga nasasakupan.
Ayon kay CENPELCO Mangaldan Manager Engr. Joel Alcantara, marami at tila uncontrollable ang ilan sa mga sanhi ng naturang power outages.
Aniya, hindi lamang dahil sa manipis na suplay ng kuryente mula National Grid Corporation of the Philippines o NGCP kundi ang madalas din umanong pag-malfunction ng kanilang mga kable.
Samantala, nagsagawa naman kamakailan ang CENPELCO ng clearing operations sa kahabaan ng Rizal Avenue upang putulin ang mga sanga ng kahoy na posibleng makaapekto sa mga kable.
Pagtitiyak ng CENPELCO, na sila ay patuloy na magseserbisyo sa lahat ng kanilang makakaya upang maiwasan at mas umayos ang serbisyong hinahatid sa kanilang mga nasasakupan sa nasabing bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨