𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦 𝗔𝗧 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔 𝗖𝗢𝗣𝗦

Cauayan City – Nakatanggap muli ng libreng bigas ang pamilya ng mga bayaning pulis at Isabela Cops mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela kahapon, ika-8 ng Nobyembre sa IPPO Grandstand, Brgy. Baligatan, City of Ilagan, Isabela.

Ang programang ito ay bahagi ng Project Lifelong Assistance Resilience to the Bereaved Compassion (PROJECT LABB) ng PNP Isabela na naglalayong matulungan ang naiwang pamilya ng mga yumaong mga pulis.

Bawat isa sa pamilya ng mga bayaning pulis ay nakatanggap ng 10 kilong bigas mula sa Provincial Government of Isabela.


Samantala, nakatakda ring ipamahagi ngayong buwan ang bigas na para naman sa lahat ng mga kapulisan sa buong lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments