𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗧𝗔𝗥𝗔𝗖𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Patuloy na isinusulong sa lungsod ng Dagupan ang programang Alagang Healthy Dagupeño sa layon nitong matiyak ang kapakanang pangkalusugan ng mga residente sa lungsod.

Sa ilalim nito, nakatakdang isagawa ang libreng Cataract at Pterygium Operation hatid para sa mga senior citizens ng lungsod.

Kabuuang walumpu’t-isa ang nauna nang sumailalim sa cardiopulmonary clearance bilang paghahanda sa naturang operasyon.

Samantala, nito lamang June 20 ay iba’t health services ang umarangkada na napakinabangan ng mga Dagupeños kasunod ng pagdiriwang ng 77th Agew na Dagupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments