Monday, February 2, 2026

𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗖𝗦𝗘 𝗥𝗘𝗩𝗜𝗘𝗪 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠, 𝗔𝗟𝗢𝗞 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗨-𝗘𝗖𝗛𝗔𝗚𝗨𝗘 𝗖𝗔𝗠𝗣𝗨𝗦

CAUAYAN CITY – Magsasagawa ng Kabataang Lingkod Bayan ang Isabela State University – Echague Campus ngayong buwan ng Pebrero.

Ito ay opisyal na inilunsad ng Supreme Student Council (SSC) kung saan isang libreng Civil Service Examination (CSE) Review Program ang kanilang iniaalok na bukas para sa mga mag-aaral, graduate, at empleyado ng Isabela State University na kasalukuyang naghahanda para sa darating na Civil Service Examination.

Ayon sa anusyong inilabas, saklaw ng Review Program ang iba’t ibang bahagi ng CSE tulad ng General Information na gaganapin sa ika-6 hanggang 7 ng Pebrero; ika-13 hanggang 14 naman ang Verbal Ability; ang Analitical Ability naman ay gaganapin sa ika-20 hanggang 21; habang ang review para sa Numerical Ability ay isasagawa asa ika-27 hanggang 28 ng Pebrero.

Para sa mga estudyante, kinakailangan lamang ng assessment form ng ikalawang semester, registration stub mula sa Civil Service Commission (CSC), at parental consent, habang sa mga alumni naman ay ang proof of graduation at registration stub mula rin sa CSC.

Layunin ng programa na ihanda ang mga nagnanaisa na maging public servant at hubugin ang isang komunidad na may malasakit at kakayahan sa serbisyo publiko.

Source: Isabela State University – Echague

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments