Isinusulong ngayon ang pagsasagawa ng libreng diabetes screening para sa mga matatanda edad kwarenta pataas at maging sa mga kabataan.
Ayon sa DOH-CH1, mainam umano ang maagang konsultasyon kung mayroong nararamdamang sintomas ng sakit maging ang pag diyeta at ehersisyo upang maiwasan ang sakit.
Sinabi ni Medical Specialist II Dr. Hannah Corpuz ng ITRMC, walang agarang sintomas ang diabetes at kadalasang lumalabas na lamang kung ito ay malala na.
Isa umano ang diabetes sa top killer na sakit sa Pilipinas kung kaya naman patuloy ang mga isinasagawang programa ng Kagawaran ng Kalusugan upang matulungan ang mga may diabetes. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments