𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗘𝗬𝗘 𝗖𝗛𝗘𝗖𝗞-𝗨𝗣, 𝗜𝗡𝗜𝗛𝗔𝗡𝗗𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡

Daan-daang mag-aral sa La Union ang hinandugan ng libreng konsultasyon sa mata bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Sight Saving Month.

Nagsagawa ang Blindness Prevention Program ng Ilocos Center for Health Development and Ophthalmology Department of Ilocos Training at Regional Medical Center ng Vision Screening o Eye-check-up sa mga Grade School Learners ng Catbangen Central School sa San Fernando City, La Union.

Umabot sa kabuuang 350 na Grade 2 at Grade 3 pupils ang sinuri ang mata at dumalo sa isang eye talk.

Mahalagang bata pa lamang ay pangalagaan na ang mata nang sa gayon ay hindi maging balakid sa pag-abot sa magandang kinabukasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments