𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗙𝗟𝗨 𝗩𝗔𝗖𝗖𝗜𝗡𝗘, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗥𝗛𝗨 𝗖𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗡

CAUAYAN CITY — Isinasagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Cabagan, sa pangunguna ng Rural Health Unit (RHU), ang libreng flu vaccination program para sa mga residente ng bayan.

Ang programa ay bukas para sa senior citizens, mga taong may comorbidities, at mga residente edad 18 pataas.

Inaanyayahan ang lahat ng kwalipikadong indibidwal na magtungo sa RHU Cabagan o makipag-ugnayan sa mga nakatalagang Barangay Nurses at Barangay Midwives para sa karagdagang impormasyon at iskedyul ng pagbabakuna.


Layunin ng inisyatibong ito na maprotektahan ang mga mamamayan laban sa mga sakit na maaaring dumapo, lalo na ngayong maulan na panahon.

Facebook Comments