
βCauayan City – Nakatakdang magbigay ng libreng issuance ng piling civil registry documents ang City Civil Registry Office ng Ilagan bilang bahagi ng selebrasyon ng Civil Registration Month 2026.
β
βIsasagawa ang aktibidad sa ika-23 ng Pebrero mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon sa 1st Floor, City Civil Registry Office, Ilagan City Hall.
β
βKabilang sa mga dokumentong maaaring makuha nang libre ay ang local Birth Certificate, Marriage Certificate, at Death Certificate.
β
βIpinaalala rin sa mga personal na kukuha ng dokumento na magdala ng valid ID, at kung hindi makakadalo ang may-ari, maaaring ipadala ang kinatawan na may authorization letter at valid ID.
β
βAyon sa pamunuan ng tanggapan, layunin ng programa na mas mapadali at mapalawak ang access ng publiko sa mahahalagang dokumento ng civil registry.
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










