𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗬𝗢𝗣, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗔 𝗥𝗙𝗢 𝟮

CAUAYAN CITY – Ipinagdiwang ng Department of Agriculture Regional Field Office 2 ang Animal Welfare Week 2024 sa Lungsod ng Tuguegarao.

Sa nasabing aktibidad, nagkaroon ng libreng kapon kabilang na ang serbisyong castration at litigation, at libreng pagpapabakuna ng anti-rabies sa mga alagang aso at pusa.

Layunin umano nito na maisulong ang responsableng pangangalaga ng mga alagang hayop sa pamamagitan ng paglahok sa mga ganitong uri ng aktibidad.


Sa mensahe ni Chief Remedios dela Rosa ng DA Regional Field Office 2 Regulatory Division, bilang isang responsableng pet owners, mahalagang malaman ang epekto ng rabies sa komunidad.

Ang pagsasagawa ng Animal Welfare Week ay alinsunod sa Presidential Proclamation No. 715.

Facebook Comments