𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗢𝗧𝗘, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝟯 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗨𝗜𝗡𝗜

CAUAYAN CITY- Nakatanggap ng kapote o raincoats ang mga mag-aaral na nasa unang baitang hanggang ika-6 na baitang sa bayan ng Tumauini, Isabela.

Kabilang sa mga mag-aaral na nabigyan ay nagmula sa North Central Elementary School, South Central Elementary School, at West Central Elementary School.

Ang nasabing rain coats ay inisyatibo ng Lokal na Pamahalaan ng Tumauini bilang proteksyon ng mga mag-aaral ngayong maulan na panahon.


Samantala, magpapatuloy ang pagbibigay ng mga kapote sa ibang mga paaralan sa naturang bayan sa mga susunod na araw.

Facebook Comments