Isasagawa ang isang libreng operasyon para sa mga batang may cleft lip, cleft palate, o bingot sa Pangasinan Provincial Hospital (PPH), para sa mga batang may kaso ng mga nabanggit na kalagayan, sa ika-20 ng Enero.
Ang inisyatiba ay pangungunahan ng Philippine Band Mercy (PBM) katuwang ang PPH, Smile Train, Mabuhay Shiners Philippines at ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan.
Ayon sa PBM, ang mga isasalang sa naturang operasyon ay kailangang dumalo sa screening nito na gaganapin sa ika-11 ng Enero, alas otso ng umaga, sa Arenas Resuello Sports Complex, sa lungsod ng San Carlos.
Sa ika-19 naman ng kasulukuyang buwan, ay iaadmit na ang mga ito, at gagawin na ang naturang operasyon sa ika-20, sa PPH, Bolingit, San Carlos.
Samantala, patuloy ang panghihikayat ng PBM para sa mga nagnanais na mabenepisyuhan ng naturang operasyon na magtungo sa mga nasabing araw sa lugar na pagdadausan nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨