Friday, January 23, 2026

𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗞𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗧𝗜 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟 𝟮𝟬𝟮𝟲, 𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡


CAUAYAN CITY – Maglalaan ng Libreng Sakay ang LGU Cauayan sa pangunguna ni Mayor Caesar Dy Jr. para sa mga Cauayeños na nagnanais makiisa sa Bambanti Festival 2026 sa Ilagan City.

Ayon sa abiso, bukas, Enero 23, ang sasakyan ay aalis ala-1:00 ng hapon mula Cauayan City patungong Ilagan at ang meet-up place ay sa harap ng Cauayan City Hall.

Mayroon ding nakatakdang balik-biyahe alas-9:00 ng gabi mula Ilagan pabalik ng Cauayan, at ang meet-up place ay sa harap ng Queen Isabela Sky Park.

Hinimok ng pamahalaang lungsod ang mga interesadong sumama na maging maagap sa oras at sumunod sa mga itinakdang alituntunin upang maging maayos at ligtas ang biyahe.

Ang inisyatibang ito ng lokal na pamahalaan ay bahagi ng suporta nito sa kultura, turismo, at pakikiisa ng mga Cauayeño sa mga mahahalagang selebrasyon ng lalawigan, bilang pakikiisa sa makulay at masayang pagdiriwang ng Bambanti Festival 2026.‎

‎‎—————————————

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments