𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗜𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗘𝗦

Magsisimula na sa darating na lunes, August 12, 2024 ang libreng sakay sa bayan ng Asingan, Rosales, Binalonan, at Sta. Maria.

Nasa dalawampu’t anim (26) na traditional jeepneys ang masasakyan ng libre ng mga mananakay mula sa Asingan Transport Corporation at aarangkada mula alas sais ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Ayon sa Chairman ng Asingan Transport Corporation na si Hermino Agne, pinayagan silang makapagbyahe sa mga lugar na ito base na rin sa kahilingan ng mga pasahero.

Malaki ang maaaring matipid ng mga komyuter sa mga rutang dadaanan ng mga jeep na ito dahil nasa 25 pesos hanggang 35 pesos ang kanilang nagagastos na pamasahe sa pampublikong sasakyan.

Samantala, magtatagal naman ang naturang libreng sakay hanggang August 16, 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments