Sa layuning magkaroon ng kaalaman sa pagmamaneho sa mga kakalsadahan, isinagawa ng Land Transportation Office (LTO) ang libreng Theoretical Driving Course (TDC) sa bayan ng San Quintin.
Katuwang ng nasabing ahensya ang lokal na pamahalaan at Sk Federation ng nasabing bayan, kung saan isinagawa ang pagsasanay noong ika-13 hanggang 14 ng Enero.
Samantala, 173 kabataan ang nabenepisyuhang ng naturang libreng seminar kung saan sila nabigyan ng kaalaman at kasanayan ukol sa pagmamaneho ng sasakyan.
Samantala, tinalakay sa naturang pagsasanay ang mga batas trapiko, kaligtasan sa kalsada, pagiging defensive driver, pagpapanitili sa kaayusan ng mga sasakyan at maging ang pagiging responsableng drayber.
Ang TDC ay kinakailangan upang makakuha ang isang indibidwal ng kinakailangang Student Permit, na hakbang upang makakuha ng lisensya sa ilalim ng LTO. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨