𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗕𝗔𝗛𝗢 𝗔𝗧 𝗦𝗞𝗜𝗟𝗟𝗦 𝗧𝗥𝗔𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗥 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Upang makatulong sa dinaranas na kahirapan ng mga Pilipino, isinagawa ang pagbibigay ng libreng trabaho para sa mga sundalo at mga pamilya nila, at iba pang kwalipikadong indibidwal sa lalawigan ng Pangasinan.

Ang Philippine Army 702nd Infantry Brigade katuwang ang Career Builders Skills Training and Assessment Center Inc., naisakatuparan ang naturang programa para mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga sundalo, pamilya nila, at mga kwalipikadong indibidwal upang mabawasan kahit papaano diumano ang nararanasang kahirapan, kaakibat ng pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa kanilang mga komunidad.

Ang 100 kalahok, na inisyal na benepisyaro ng naturang programa ay sumailalim sa 15-day training. Sila ay nagsanay sa larangan ng masonry, welding, at carpentry.

Samantala, ayon kay Brig. Gen. Gulliver Señires ang programa ay isang training-to-work program, sinasanay nila ang mga taong kabilang sa training. Dagdag pa niya, na magbibigay ang kanilang opisina ng libreng accomodation at allowance upang sila’y maalalayan sa paghahanap ng trabaho.

Ayon pa kay Señires, naniniwala siya na ang isang pamilya ng sundalong financially stable ay magreresulta sa isang sundalong dedikado at makakasigurong magagampanan ang trabaho nito para sa bayan.

Ang naturang programang inorganisa ng 702nd Infantry Brigade ay sumusuporta sa Anti-Insurgency Campaign ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments