𝗟𝗜𝗖𝗘𝗡𝗦𝗨𝗥𝗘 𝗘𝗫𝗔𝗠𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗙𝗢𝗥 𝗧𝗘𝗔𝗖𝗛𝗘𝗥𝗦, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡

Naglabas na ng abiso ang pamunuan ng Professional Regulation Commission o PRC Regional Office 1 ukol sa nakatakdang pagsasagawa ng Licensure Examine for Professional Teachers sa darating na September 29, 2024.

Mayroong apat na testing venues sa buong Region I na kinabibilangan ito ng Rosales, Bayambang sa Pangasinan, Batac City sa Ilocos Norte at Candon City sa Ilocos Sur.

Pinapayuhan ang mga LET takers na magdala lamang ng mga kakailanganing kagamitan tulad ng Notice of Admission, No. 2 pencil, blank ballpens, tig-isang piraso ng long brown envelope at transparent non-colored plastic envelope.

Para sa iba pang impormasyon kaugnay sa eksaminasyon, maaaring bisitahin ang official website ng PRC sa www.prc.gov.ph upang mabigyang linaw at maiwasan ang abala sa iskedyul ng licensure exam. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments