๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—จ๐—ฅ๐—˜ ๐—˜๐—ซ๐—”๐— ๐—œ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ง๐—˜๐—”๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ฆ, ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—–๐—”๐—จ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก

CAUAYAN CITY โ€“ Isinagawa kahapon, ika-23 ng Marso ang Licensure Examination for Teachers sa ilang paaralan sa Lungsod ng Cauayan, Isabela.

Sa naging pahayag ni Mr. Albert Perico, Principal 4 ng Cauayan South Central School (CSCS), isa ang kanilang paaralan na partner ng Professional Regulation Commission (PRC) Region 2 sa pagsasagwa ng ganitong mga pagsusulit.

Ayon pa sa kanya, hindi ito ang unang beses na maghahawka ang kanilang paaralan ng pagsusulit kung kayaโ€™t naging madali na lamabg ang kanilang paghahanda.


Ibinahagi rin nito na 25 silid-aralan ang kanilang inihanda para sa mga examinees, naglaan din sila ng mga proctors, at floor supervisors na katulong ng PRC sa examination.

Bukod sa Cauayan South Central School, naging venue rin ng LET ang Cauayan North Central School, Cauayan City Stand-Alone Senior High School, at Cauayan City National High School.

Samantala, ayon naman kay Ms. Jessalee Jacobo-Saranay, Overall Coordinator ng PRC Cauayan, nasa 2, 218 ang kabuuang bilang ng mga examinees kung saan 392 dito ay kumukuha ng elementary education habang ang 1826 naman ay secondary education.

Facebook Comments