𝗟𝗜𝗖𝗘𝗡𝗦𝗨𝗥𝗘 𝗘𝗫𝗔𝗠 𝗙𝗢𝗥 𝗖𝗥𝗜𝗠𝗜𝗡𝗢𝗟𝗢𝗚𝗜𝗦𝗧𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗖, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪

Nakatakdang isagawa ngayong araw ng Professional regulation Commission Region 1 ang Licensure Examination for Criminologist sa bayan ng Rosales.

Sa advisory ng PRC Region 1, nasa higit isang libo o 1,209 ang sasailalim sa naturang eksaminasyon na nagnanais maging licensed Criminologists.

Paalala ng tanggapan sa mga kukuha ng pagsusulit na importanteng basahin ang mga paalalang nakasaad sa Notice of Admission upang hindi magkaproblema sa araw ng pagsusulit.

Tatlong araw na isasagawa ang naturang eksaminasyon na magtatagal hanggang sa ika-2 ng Agosto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments