Mahigpit ngayong binabantayan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang limang barangay sa lungsod bunsod ng kaso ng dengue sa mga lugar.
Kinabibilangan ito ng barangay ng Bonuan Gueset, Bonuan Boquig, Caranglaan, Lucao at Mayombo.
Sa pinakahuling datos ng City Health Office, nasa isang daan at labingwalong (118) kaso ng dengue ang naitala hanggang sa kasalukuyan sa Dagupan City.
Paalala ng health authority, iwasan ang pag self-medicate at dalhin sa pinakamalapit na hospital at center ang mga bata sakaling makaranas ng mga sintomas ng sakit tulad ng lagnat, sakit ng ulo, pagsakit ng mga kalamnan at kasu-kasuan, pagsusuka at rashes. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments