Mahigpit na binabantayan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang limang barangay sa bayan ng Sta. Barbara dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig ng Sinocalan River bunsod ng pag-uulan na dala ng Bagyong Kristine.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan may Sta Barbara MDRRMO Head, Mr. Raymundo Santos, pababa pa lang ang tubig na nagmumula sa upstreams na daan sa naturang ilog.
Dahil dito, mahigpit ang isinasagawa nilang monitoring dahil sakaling umabot ito sa critical level, ilang barangay ang posibleng malubog sa baha.
Ilan na lamang dito ang Sonquil at Dalongue at ilang parte ng Poblacion Norte at Sur, at Sapang.
Naabisuhan naman ang mga residente na malapit sa ilog sakaling tumaas pa ay lumikas na upang maiwasan ang malalang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨