𝗟𝗜𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗚𝗔𝗟𝗟𝗢𝗡, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗟𝗘𝗕𝗘𝗟 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗔Ñ𝗔𝗚𝗔-𝗔𝗚𝗡𝗢 𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥

Patuloy na binabantayan ng Bugallon Disaster Risk Reduction and Management Office ang limang barangay sa bayan sa posibleng pagtaas ng tubig sa Bañaga-Agno River dahil sa pag-uulan na dala ng Bagyong Pepito at pagpapakawala ng tubig mula sa San Roque Dam.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay LDRRMO Officer in Charge Lea C. Navato, nasa labing-apat na barangay ang kadalasang binabaha at lima rito ang pinakaapektado.

Nauna nang nilinisan ang mga drainages at pinutol ang mga sanga ng punong posibleng matumba sa pagtama ng bagyong Pepito.

Samantala, nakahanda na ang mga evacuation centers at nakapag repack na ng relief goods ang mga LGU para sa mga residenteng maapektuhan ng bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments