𝗟𝗜𝗠𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗧 𝗦𝗘𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Timbog sa buy bust operation na isinagawa ng awtoridad ang limang kalalakihan matapos mahuli sa aktong pot session sa Brgy. Bonuan Bonuan Dagupan City, Pangasinan.

Kinilala ang mga suspek na sina Roy Magsano alyas Taroy, Robert Apostol alyas Jung, John Mark Padilla alyas Aming, Renato Referso alyas Buda, at Michael Erfe alyas Michael, pawang residente ng nabanggit na lugar.

Nakumpiska sa mga suspek ang 2.5 grams ng hinihinalang shabu at drug paraphernalias at ilang sasakyan na pagmamay ari ng mga ito.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments