𝗟𝗜𝗠𝗜𝗧𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗩𝗜𝗗𝗘𝗢𝗞𝗘, 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗢𝗞𝗘 𝗔𝗧 𝗟𝗢𝗨𝗗 𝗦𝗣𝗘𝗔𝗞𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗜𝗣𝗔𝗧𝗨𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗

Mahigpit na ipatutupad sa Barangay Ariston East sa bayan ng Asingan ang limitasyon sa paggamit ng videoke, karaoke at loudspeakers.

Sa inihain na ordinansa ng Barangay council sa Sangguniang bayan, pinapayagan lamang ang paggamit ng videoke, karaoke at loudspeakers sa oras ng alas syete ng umaga hanggang alas nwebe ng gabi kung saan kabilang na dito ang birthday party habang bibigyan naman ng special permit ang mga okasyon tulad ng kasal o last night.

Problema umano kasi ito ng mga magsasaka at estudyante sa lugar na nais makatulog ng maayos at maaga at makapag focus sa pag-aaral.

Isang libong piso naman ang magiging penalty sa sino mang mahuhuling lalabag sa naturang ordinansa.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments