𝗟𝗜𝗡𝗘𝗠𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗥𝗔𝗗𝗢𝗥, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬

Patay ang isang lineman matapos makuryente habang nagsasagawa ng preventive maintenance sa bayan ng Labrador.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ang biktima ay kinilalang si Ronel Quijano, 24 anyos, residente ng Sitio Ambalengit, Brgy. Mapolo-Polo, Basista.

Aksidente umanong nahawakan ng biktima ang primary line ng kuryente.

Ilang mga residente sa kahabaan ng lugar, nasaksihan ang naturang insidente.

Buhay pa nang maibaba ang biktima na agad namang naisugod sa ospital ngunit sa kasamaang palad ay binawian ng buhay.

Nagluluksa ang pamilya sa sinapit ng biktima at hindi muna nagpaunlak ng panayam.

Samantala, nakapagbigay na umano ng tulong ang CENPELCO sa naulilang pamilya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments