𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗣 𝗘𝗗 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗗𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗖𝗢, 𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗖𝗢𝗟𝗔𝗦

Napakinabangan ng mga residente sa brgy. Malico sa bayan ng san nicolas, pangasinan ang lingap ed barangay ng pamahalaang panlalawigan ng pangasinan.

Saklaw ng mga serbisyong hatid sa ilalim ng naturang program ay ang medical services, pagbabahagi ng kaalaman ukol sa disaster preparedness at response training, guicosina feeding program, cooperative formulation orientation at storytelling for kids.

Tiniyak ni governor ramon guico iii ang patuloy na pag-aabot ng mga serbisyo ng pamahalaan sa pagpapahayag ng suporta at pagmamahal sa residente ng malico.

Samantala, nagpasalamat naman ang mga residente rito sa pamahalaang panlalawigan sa kabila umano ng pagiging malayong lugar ng nasabing barangay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments