Pumalo na sa 201 ang bilang ng naitalang kaso ng dengue sa Lingayen Pangasinan ngayong taon.
Ito ang pinakamataas na bilang sa buong Pangasinan kung saan ang barangay Pangapisan North na nakapagtala ng 55 na kaso at Brgy. Malawa na may 25 na kaso ay isinailalim sa watchlist.
Dahil dito, umapela ang Committee on Health and Sanitation sa mga barangay council sa pagpapaigting ng kalinisan sa kapaligiran ng kanilang mga nasasakupan upang maiwasan ang lamok na nagdadala ng dengue.
Ayon naman sa mga nabanggit na lokal na pamahalaan, protocol sa kanilang rural health units na magsagawa ng misting at fogging sa buong barangay kung may naitalang mortality case ng dengue.
Hinihikayat ng Provincial Health Office ang mga residente na agad magpakonsulta kapag nakaramdam ng sintomas ng dengue.
Ilang bayan pa ang nasa watchlist ng PHO kabilang dito ang Bayambang, Bugallon Urbiztondo, at San Carlos City.|𝙄𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨