Inilabas na ng Commission on Elections o COMELEC ang opisyal na listahan ng mga kakandidato sa paparating na midterm elections sa susunod na taon.
Sa tala ng COMELEC Region 1, aabot sa 3,500 na personalidad ang tatakbo mula sa pagka-councilor, vice mayor, mayor, board members, house of representatives, vice governor at governor.
Binigyan ang mga kandidato ng palugit sa pagtatama ng mga maling pangalan na nailagay noong filing of candidacy.
Maari namang makita ng publiko ang mga kandidato sa Kani kanilang lugar dahil Nakatakdang ipaskil ang listahan sa mga COMELEC offices.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng concerned agencies upang paigtingin ang seguridad sa nalalapit na eleksyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments