π—Ÿπ—œπ—ͺπ—”π—‘π—”π—š 𝗔𝗧 π—Ÿπ—œπ—‘π—šπ—”π—£ π—›π—”π—§π—œπ—— 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π——π—”π—šπ—¨π—£π—˜Γ‘π—’π—¦, π—£π—”π—§π—¨π—Ÿπ—’π—¬ 𝗑𝗔 𝗨𝗠𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—žπ—”π——π—”

Patuloy na umaarangkada sa lungsod ng Dagupan ang programang Liwanag at Lingap sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa tanggapan ng isang senador mula sa nasyonal na gobyerno.

Hatid sa mga DagupeΓ±os ang ilang mga serbisyong medikal tulad ng Consultation at Primary Care Medicines, maging pamamahagi ng mga bitamina at medisina.

Saklaw pa ng serbisyong pangkalusugan ang medical services na kinabibilangan ng Blood Pressure, Oximeter, Pulse Rate, Respiratory Rate, Weight, Temperature at Blood Test tulad ng Fasting Blood Sugar, Uric Acid, Glucose, at Cholesterol.

Patuloy na napapakinabangan ng mga DagupeΓ±os ang mga programang nagsusulong sa kapakanang pangkalusugan alinsunod na rin sa pakikiisa ng lungsod sa pagkamit ng UN SDG. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments