Siniguro ng Lokal na pamahalaan ng Lingayen ang patuloy na kaligtasan at kalinisan sa mga sakop nitong coastal areas, ayon sa panayam ng IFM Dagupan kay Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil.
Bagamat tapos na ang Semana Santa, inaasahan pa rin nila ang pagdagsa ng mga beachgoers sa mga susunod na araw at linggo sa kabila ng nagpapatuloy na dry season.
Nitong nagdaang semana santa, walang naitalang casualty ang kanilang tanggapan, bagamat may nawalang bata at nahanap din naman agad.
Samantala, in-action pa rin ang Local Disaster Risk Reduction Management Office sa pag-iimplementa ng kaligtasan at kalinisan sa paligid ng mga coastal areas na kanilang nasasakupan. Ani Mayor Bataoil, ang LDRRMO ay may malaking ginampanan sa naging kaayusan maging sa kalinisan partikular na ng Lingayen Beach sa nagdaang holiday season.
Nananawagan naman ang alkalde sa mga bibisita na ituring ang bayan ng Lingayen bilang kanilang tahanan, kung saan makikita ang kaayusan at kalinisan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨