𝗟𝗢𝗞𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗜𝗔𝗚𝗢, 𝗣𝗨𝗦𝗣𝗨𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗

CAUAYAN CITY- Tuluy-tuloy ang isinasagawang monitoring ng City Government ng Santiago kaugnay sa paghagupit ng Bagyong Enteng sa siyudad.

Binisita ng Lokal na Pamahalaan ang mga apektadong Santiagueño partikular sa mga flood prone areas kung saan inalam ang mga kalagayan ng mga ito.

Bukod dito, namahagi rin ng relief packs sa mga pamilyang inilikas dahil sa bagyong Enteng.


Samantala, puspusan ang ginagawang clearing operations sa mga tulay at daan sa Lungsod na naapektuhan ng bagyo.

Facebook Comments