𝗟𝗢𝗞𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗨𝗧𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗔𝗧𝗔𝗪 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦

Mahigpit ngayong binabantayan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City na walang makakalusot na mga gataw na bangus sa Magsaysay Fish Market.

Katuwang ang iba’t ibang ahensya ng lokal na pamahalaan tinitiyak nilang walang makakapasok na gataw na bangus sa sirkulasyon ng kalakalan ng bangus sa lungsod.

Bilang hakbang, mabusising sinusuri ng Sanitary Division ng CHO ang mga bangus na pumapasok sa pamilihan.

Dagdag pa riyan na kung walan umanong invoice sa pinanggalingan ng mga bangus na ipapasok sa bayan ng Dagupan ay hindi pwede umano itong makalusot.

Samantala, ibayong pag-iingat naman ang payo bg awtoridad sa mga mamimili sa pagpili ng produktong bangus.

Bukod naman sa Magsaysay Fish Market, nakabantay rin ang mga opisyales sa mga border upang masiguro na walang mga gataw na bangus ang makakapasok sa siyudad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments