𝗟𝗢𝗞𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗔𝗪𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗠𝗨𝗡𝗜𝗖𝗜𝗣𝗔𝗟 𝗦𝗘𝗔𝗟

Kasabay ng pagpupulong ng mga Liga ng mga Barangay sa Mangaldan ay nagbabala at nagbigay paalala si Mayor Bona Fe Parayno sa mga Punong Barangay sa bayan ukol sa hindi awtorisadong paggamit ng municipal seal sa mga aktibidad.

Ang paalala ay nagmula sa kamakailan lamang na cycling event sa isang barangay nitong Hunyo kung saan ginamit ang municipal at provincial seal sa mga promotional materials tulad ng flyers kung saan nangangalap ng pinansyal na tulong sa mga opisina ng gobyerno.

Ayon sa alkalde, hindi kumuha ng kaukulang permit para sa aktibidad ang barangay council, bagay na ipinahayag din ni Provincial Administrator Melicio Patague III ukol sa paggamit naman ng provincial seal sa parehong aktibidad.

Binigyang diin ng lokal na pamahalaan sa bayan na bagaman sa barangay ginanap ang aktibidad ay maaari pa rin silang maging responsable sa mga insidente sa aktibidad.

Kinakailangan pa rin umano na kumuha ng kaukulang permit sa Office of the Mayor bago maisagawa ang anumang aktibidad sa mga barangay. Ipinaliwanag din na ang naturang hindi awtorisadong gawain ay nakapaloob sa Article 177 ng Revised Penal Code.

Sa huli, pakiusap ng lokal na pamahalaan ang respeto sa mga sektor at pagsunod sa mga legal na mandato. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments