Naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng Mangaldan sa mga posibleng magiging epekto ng parating na La Nina na inaasahan sa mga susunod na buwan.
Ilan na lamang sa mga hakbang na kanilang isinasagawa ay ang nagpapatuloy na flood mitigation project sa iba’t ibang barangay sa nasabing bayan.
Ayon sa ilang opisyal, nag-aantay na lamang sila ng pondo para sa konstruksyon ng drainage canal sa ilang barangay tulad ng sa Brgy. Gueguesangen upang maiwasan ang pagbaha. Malaking tulong naman umano ito para maiwasan ang matinding epekto ng mga pagbaha.
Samantala, ngayong buwan at sa mga susunod pa ay posibleng manalasa ang mga magiging pag-ulan dulot ng La Nina. Sa bandang Oktubre naman ay posibleng mas mapadalas pa ang mararanasang pag-ulan.
Nagbigay paalala naman ang tanggapan ng PAGASA sa posibleng maranasang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng probinsya sa oras na mag-umpisa ng maranasan ang epekto ng habagat at ng La Nina. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨