𝗟𝗢𝗟𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗠𝗕𝗨𝗟𝗔𝗡𝗦𝗬𝗔 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗪𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔

Idineklarang dead-on-arrival ang isang 73 anyos na babae matapos mabangga ng isang ambulanasya ng Isang barangay sa Pangasinan sa kahabaan ng Brgy. Poblacion Norte, Sta. Barbara, Pangasinan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, tumatawid ang biktima sa pedestrian lane nang mahagip ito ng ambulansya na may pasyenteng itatakbo rin sana sa ospital.

Ayon kay Sta Barbara Police Station Chief of Police, PLtCol. Michael Datuin, mayroong pananagutan ang driver ng ambulansya.

Kasalukuyang nasa kostudiya na ng pulisya ang suspek at nasampahan na rin ng kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments