𝗟𝗢𝗟𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗔𝗧 𝗧𝗥𝗨𝗖𝗞

Patay ang isang 71 anyos na lola dahil sa banggaan ng tricycle at truck sa Brgy. Poblacion, Laoac Pangasinan.

Dead on arrival ang pasahero na angkas ng tricycle driver habang sugatan sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang driver ng tricycle.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, kinain ng six-wheeler truck ang linya ng tricycle driver dahilan ng kanilang banggaan. Negatibo sa alcohol breath test ang driver ng truck. Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments