𝗟𝗢𝗟𝗢, 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗢𝗞 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗚𝗜𝗟𝗜𝗗 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔

Patay ang isang 83 anyos na lolo matapos umanong atakihin sa puso sa San Carlos City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, pasado 10:00 ng umaga nang umalis ang biktima sa kaniyang bahay upang magtinda ng manok ngunit pagpatak ng 6:00 ng gabi nakita itong nakahandusay sa tabi ng kalsada.

Ayon sa pamilya ng biktima, may highblood umano ito at itinigil ang pag-inom ng gamot.

Nagsagawa na ng post mortem examination ang awtoridad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments